eli’s ride no. 17

20260705
Distance: 70.56 km
Elevation Gain: 395 m

Ang hirap talagang maging inspirasyon si Pogacar lalo na kung nakatira ka sa Metro Manila. Tipong handa na ‘yong isip ko na mag-century ride kanina bilang selebrasyon ng pagsisimula ng Tour de France, pero sa dami ng stop lights sa Manila at pangit na kalsada ay naunahan ako ng inis at pagod.

Tapos narinig ko pa ‘yong singhal ng motoristang nasa likod ko kanina doon sa may España Blvd. Nabagalan ata siya sa’kin nang mag-go signal ang traffic light. “Atat yarn?” gusto kong sabihin.

Mabuti na lang natuwa ako kanina sa pagdaan ko sa car-free Sunday sa Tomas Morato–hindi ako na-badtrip kay koya.

Car-free Sunday sa Tomas Morato Ave., Quezon City.


Ang daming tao doon sa palibot ng Morato! May mga batang naglalaro ng badminton, mga matatandang tumatakbo (o naglalakad LOL), mga vendors, at iba pa!

May lumapit pa nga sa’king mag-asawa e. Tinanong ako ng ginang kung tatakbo ba ako sa Women’s Run sa Oktubre. No, sabi ko. Siguro kinausap nila ako dahil sa suot ko haha

Nakakatuwa lang kahit papaano na may ganoong mga inisyatiba. Kahit sandali ay nagiging reyna’t hari sa daan ang mga pedestrian at siklista. Makakabuo rin ng komunidad.

Leave a Reply