eli’s ride no. 6

20260531

Distance: 17.04 km

Elevation Gain: 158 m

Ang saya–nakapag-drive thru ako ngayon! Mas masarap pala ang cheesy yumburger at pineapple juice kapag dumaan sa sliding window ng Jollibee. Lalo na kapag kinain sa bangketa, ilang metro mula sa puwetan ng sasakyang nakahinto sa waiting bay.

Pakiramdam ko kasing-level ko na rin ang mga sasakyan. O mas higit pa nga, dahil dinala ako ng mga paa at bike ko rito!

Nasa checklist ko na ang pagbili sa drive thru the moment na nakabili ako ng bisikleta. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ‘yon ngayong araw dahil kasama kong umalis sa bahay para mag-ride ang tatay at kapatid ko.

Siguro may anghel (o demonyo) na bumulong sa’kin na ito ang chance para makaikot pa sa mas malayo. May makakasama naman kasi ang kapatid ko sa pagbibisikleta. Salamat sa tatay ko :DD

Ang saya-saya lang!

Leave a Reply

Discover more from doon sa ano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading