20260612
Distance: 15.98 km
Elevation Gain: 151 m
Walang papantay sa pakiramdam ng pagiging malaya kapag nagbibisikleta. Para akong lumilipad, isinasayaw at iginigiya ng hangin papunta sa iba’t ibang lugar. Walang alalahanin, payapang isipan–ako at ang bike ko lang, si eli.
Kaya ngayong Araw ng Kalayaan, ano pa nga ba ang ginawa ko? Siyempre, nagbisikleta!
Sa pagkakataong ito, nagbaon na ako ng pagkain. Peanut butter sandwich at saging. Ang gastos kasi kung bibili pa: P23 ang saging sa 7-Eleven, P45-100 naman ang sandwich sa mga kainan. Nagyeyelong mineral water na lang ang binili ko sa isang tindahan pampawi ng pagod.

Good news din! May nahanap akong bike shop malapit sa amin kanina. Totoong bike shop ha, hindi motorcycle shop.
Sa pagkakatanda ko nga, nakailang daan na ako sa street na ‘yon e. Ewan kung bakit kanina ko lang napansin ‘yong shop. Siguro dahil paahon ‘yong parteng ‘yon at nakapokus ako palagi sa pagpapadyak? (Waw haha)



Bumili ako ng bike bell doon. Small talk na rin sa mga may-ari. Mag-asawa ata sila? Basta babae ‘yong kahera, lalaki naman ‘yong nag-aabot sa’kin ng kung ano-anong produkto.
Alam ko namang puwede kong bilhin sa Shopee o Lazada ‘yong bell. Mas mura pa nga siguro. Pero gusto ko kasing makipagkaibigan sa kanila, lalo na kay ateng kahera na mukhang siklista rin. Saka, hello? Kami lang dalawa ang mga babae sa bike shop na ‘yon kanina! (Malaking sampal na naman sa realidad grr)
Sana dumami pa ang mga babaeng siklista!
(Note: Pinaiksi ang orihinal na entry na ito hehe)

Leave a Reply