eli’s ride no. 9

20260605
Distance: 5.20 km
Elevation Gain: 71 m

Nostalgic ride! Pumunta ako sa dati kong mga school!

Una, sa MLQES kung saan chineck ko ‘yong section at schedule ng kapatid ko. May pasok na kasi sila sa Lunes kaya kailangan all set na ang lahat.

Pangalawa, sa Komhay para alamin ang itsura nito ngayon. Wala namang nagbago, at least sa itsura nito mula sa labas ng gate. Dumami lang ang kainan sa paligid, kaya minabuti ko na ring bumili ng pananghalian namin.

Sobrang saya ng ride. Kakaiba ‘yong feeling na dumaan sa kabisado kong ruta habang nakabisikleta. Nakikita ko sa ibang lente ‘yong mga lugar na dating dinadaanan ko noong nasa grade school at junior high. Halimbawa, kung gaano pala katirik ang daan mula MLQ hanggang kanto ng simbahan ng Mabuting Pastol. O kung gaano pala kapayapa ang Sanchez St. kapag bandang 11 a.m.

Hay, gusto ko na lang magbisikleta forevs haha. Posible kaya ‘yon?

Leave a Reply

Discover more from doon sa ano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading