eli’s ride no. 4

20260524
Distance: 4.28 km
Elevation Gain: 47 m

Kasama ko ulit [ang kapatid ko] ngayong ride. First time namin na lumayo at dumayo sa isang village para magliwaliw. Noong una, dapat ako lang ‘yon mag-isa pero sinabi niya kasi na gusto niya ring sumama.

Pinagtitinginan kami kanina. Ewan ko kung ako lang ba iyon, pero yes, ganoon ang pakiramdam. Iniisip ko baka dahil rare ang mga babaeng nagbibisikleta sa lugar namin o baka dahil concerned sila sa kapatid kong naka-balancer sa highway haha. Siguro yung huli. LOL

Ang dami rin naming side quests. Iyong mga equipment pang-exercise malapit sa Sister of Mount Carmel, sinakyan at pinaglaruan namin. Tapos sumemplang pa ang kapatid ko! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano e haha

Nagtulak tuloy kami ng mga bisikleta noong pauwi na. Pinagtitinginan ulit kami.

Mas marami pa ang side quests namin kaysa pagbibisikleta!

Leave a Reply