Papantay na sa Shibuya crossing!
Sa tuwing pumupunta ako sa Camanava at dumadaan sa Monumento, palagi kong naiisip ang mga kapwa ko komyuter sa erya. Ganito ang danas nila araw-araw: maglalakad nang mahaba bago makasakay, aakyat ng mga overpass para makatawid nang ligtas, makikipagpatintero sa mga vendor at iba pang pasahero, at magdadasal na hindi madukutan para may maiuwi pa sa pamilya. Araw-araw na pakikibaka.
Kung may maayos lang na transportasyon at tamang suporta mula sa gobyerno, hindi na kailangan magtiis ng mga komyuter sa Camanava at sa iba pang lugar.
[Monumento, Quezon City, September 2026]
Rizal Ave. Ext.

Leave a Reply