Iginuguhit mo ang tutok ng alon
sa kanyang paghampas sa langit;
suso kang nakaukit sa ulap,
bumubuntong hiningang dibdib,
pasikdo-sikdo ang hangin,
parang sigwang kinikimkim.
(Mula sa epikong ‘Kantada ng Babaing Mandirigma Daragang Magayon’ ni Merlinda Bobis)
[Daraga, Albay; September 2025]
Daraga

Leave a Reply