eli’s ride no. 11

20260610
Distance: 9.48 km
Elevation Gain: 87 m

Kinda feeling cute with my tirintas haha. Na-sense ko kasi na maayos ang pagkakatali ko today e. Walang hibla ang ‘di nasama, sakto ang higpit, at pantay talaga.

Naalala ko tuloy iyong kaklase kong lalaki noong high school na sinabihan ako ng “ka-babae mong tao hindi ka marunong magtirintas.” Tangina, kinuwestiyon ang pagkababae ko dahil lang sa pagtatali ng buhok!

Nasa prod team ako noon e para sa sabayang pagbigkas ng klase at kailangang ayusin ‘yong buhok ng mga magpe-perform. Pero dahil hindi nga ako marunong magtirintas ay hindi ako nakatulong.

Tumatak talaga sa’kin ‘yon. Gusto kong patunayan na hindi lang nasusukat doon ang pagkababae. Gusto kong magkaroon ng statement. Kaya ang ginawa ko, never ko talagang inaral ‘yong pagtitirintas, o pagtatali ng buhok in general, at naglugay na lang ako madalas.

Ngayong matanda na ako (OA sa matanda haha), ngayon ko na lang ulit naa-appreciate ‘yong iba’t ibang hairstyle o tali ng buhok. Lalo na kapag nagbibiskleta dahil nagiging motivation iyon para lumabas at magpakalayo-layo. (Bukod pa siyempre sa mga cute na medyas!!! huhu)

Kanina din, first time ko mag-counterflow sa Commonwealth Ave. Nakakatakot pala kasi parang wala nang chance to avoid or react sa bilis ng mga sasakyan. Alam ko ring mali ‘yong ginagawa ko kaya ang hirap mag-demand sa ibang motorista. LOL

Bilang reward sa sarili, bumili ako ng cheeseburger at Royal sa Angel’s Burger. Best combo! (Pero siyempre, wala pa ring tatalo sa Hungarian. Kung may dalang pera lang ako kanina, malamang ‘yon ang binili ko.)

Leave a Reply

Discover more from doon sa ano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading