20260701
Distance: 9.25 km
Elevation Gain: 102 m
Akala ko ako lang yung nangalawang sa pagbibisikleta, pati pala ‘yong chains ng bike haha. Ang hiraaap! Kada pedal, parang triple ‘yong hinahabol kong hininga.
Kaya imbes na maglaboy sa Commonwealth Ave., pumunta akong bike shop, doon sa na-discover ko noong nakaraan. At siyempre, wala akong ideya sa kung anong kailangan ng bike ko haha, kaya nagtanong ako sa mga may-ari.
Sabi nila, kahit degreaser at chain lube lang daw muna ang bilhin ko (ang dami kasi nilang binanggit, na info-overload ako LOL). Binigyan pa nila ako ng tips sa pag-extra care ng bike.
Medyo natawa lang ako paglabas ng shop at nong kinuhanan ko na ng picture ‘yong binili ko. “Ano nang gagawin ko dito?” sa isip ko. First time ko makahawak ng ganitong produkto sa buong buhay ko!


Naaalala ko rin kasi ‘yong dumb post sa Instagram, iyong daga o hamster na may ribbon sa tenga at may nakalagay na “I’m just a girl” hahahaha May kailangan na naman patunayan sa sarili, jusqpo.
Kaya ko ring ayusin ‘yong bike ko, dickheads.

Leave a Reply